Makabayan Bloc, makikipag-alyansa sa mga tunay na oposisyon para sa 2025 elections

Bukas ang Makabayan Bloc sa pakikipag-alyansa sa mga tunay na oposisyon para sa halalan sa taong 2025.

ayon kay House deputy minority leader at ACT Teacher’s Party-list Representative France castro, plano nilang bumuo ng labindalawang pambato na tatakbo sa pagkasenador.

bunsod nito ay sinabi ni Castro na may mga kinakausap na sila na kaisa sa mga isyung tinitindihan nila tulad ng mga taga-Liberal Party.


binigyang diin naman ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas na ang makabayan Bloc ay bukas lang sa mga tunay na oposisyon.

Sabi ni brosas, ito ay upang hindi masentro lamang sa mga Duterte at Marcos ang pagpipilian sa darating na eleksyon.

Facebook Comments