Tiniyak ng oposisyon sa Kamara na kaisa sila ni Vice President Leni Robredo sa mga hakbang nito para labanan ang drug war sa bansa.
Ayon kina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Gabriela Rep. Arlene Brosas suportado nila ang mga plano ni VP Robredo sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) partikular sa pagbasura sa oplan tokhang.
Tulad sa bise presidente, naniniwala sila sa pagpapanagot sa mga otoridad na responsable sa pagpatay sa mga inosente bunsod ng war on drugs ng Duterte Administration.
Sa tatlong taon din na ipinapatupad ang oplan tokhang ay hindi naman nasawata ang problema ng bansa sa iligal na droga.
Hiniling din ng makabayan na payagan na ng gobyerno na pumasok ng bansa at magsagawa ng imbestigasyon ang un special rapporteur sa tatlong taong oplan tokhang na nagresulta ng maraming kaso ng extra judicial killings dahil sa iligal na droga sa bansa.