Manila, Philippines – Minaliit lang ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang binuong anti-NPA task force ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapahina ang New People’s Army (NPA).
Sa pahayag ng CPP, makakahikayat lang daw ito ng mas maraming suporta sa NPA.
Ganitong istratehiya na rin aniya ang ginawa noong panahon ni dating President Noynoy Aquino.
Matatandaang noong Martes, nagpulong ang Executive Committee – National Security Council (ec-NSC), kung saan kasabay nito ay inanunsyo ng pangulo ang pagtatag sa national task force na tutugon sa mga pag-atake at karahasan ng NPA.
Facebook Comments