Makati City government, kumuha ng mga tricycle driver para sa COVID -19 drive-thru vaccination

25

Naniniwala ang pamunuan ng Makati City government na malaki ang maitutulong ng mga tricycle driver kaya’t kinuha nila ang serbisyo ng mga ito sa COVID-19 drive-thru vaccination program.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, magsisilbing libreng shuttle service ang mga tricycle para sa Persons with Disability (PWD) at bedridden residents na ihahatid sa parking area ng Ayala Malls Circuit.


Paliwanag ni Binay, habang naghihintay sa loob ng tricycle ay sasailalim sa parehong proseso ang PWDs at bedridden patients gaya ng screening, pre-vaccination, at post-vaccination monitoring.

Kaugnay nito ay inaabisuhan ang vaccine recipients na bisitahin ang social media accounts ng Makati City para sa schedule ng tricycle service.

Pinaalalahanan naman ang mga residente na magparehistro muna online bago magtungo sa drive-thru vaccination site.

Facebook Comments