Mga residente sa lugar na pinangyarihan ng pool party sa QC, prayoridad mabakunahan 

27

Agad kumilos ang Brgy. Nagkaisang Nayon para mapigilan at mailigtas sa banta ng COVID-19 ang mga residente sa Dormitory Phase 3, Nagkaisang Nayon.

Ayon kay Chairman Feliciano dela Cruz, prayoridad nila ngayon mabakunahan ang mga residente doon.


Bukod sa tulong mula sa barangay, nagbigay rin ng suporta ang Quezon City government tulad ng ayuda sa 350 pamilya na apektado ng lockdown.

Lahat sila ay sumailalim na rin sa swab test kung saan may mga nagpositibo.

Samantala, tiniyak ni Dela Cruz na mananagot ang nasa likod ng pool party na ngayon ay tukoy na nila ang pagkakakilanlan.

Facebook Comments