Philippine Embassy sa Israel, bukas na muli sa publiko

31

Bukas na muli sa publiko ang Embahada ng Pilipinas sa Israel.

Kasunod ito ng tigil-putukan sa pagitan ng Israel at ng Hamas militant group.


Sa kabila nito, mahigpit pa rin ang paalala ng embahada sa mga Pilipino sa Israel na patuloy pa ring mag-ingat at maging alerto sa lahat ng oras.

Nag-abiso rin ang Philippine Embassy sa mga Pinoy na may kumpirmadong appointment mula May 11 hanggang May 20 na hindi na nila kailangang magpa-reschedule.

Ang kailangan lamang nilang gawin ay ipakita ang email o text confirmation ng kanilang nakaraang appointment.

Facebook Comments