Makati LGU, nakamit na ang 50K mark sa mga residenteng nabakunahan ng COVID-19 vaccine

Naabot na ng Makati City ang 50,000 mark na nabakunahan ng COVID-19 na kabilang sa A2 at A3 priority list.

Ayon kay Mayor Abby Binay, mula sa 600,000 na population ng lungsod, target nila na mabakunahan ang nasa 430,000 na mga residente.

Sa Makati Medical Center, target na makapagbakuna ng mula 400 hanggang 600 na residente kada araw gamit ang dumating na COVID-19 vaccine na Pfizer.


Nasa 100 hanggang 200 naman ang nabakunahan kada araw sa Ospital ng Makati.

Mayroong 9,200 doses ng AstraZeneca, 7,200 doses ng Sinovac at 1,170 doses ng COVID vaccine na Pfizer ang Makati Health Office.

May pending order pa na isang milyong doses na AstraZeneca vaccine ang Makati LGU na inaasahang darating sa Hunyo.

Mas maghihigpit pa ang Makati sa mass gathering upang matiyak na mapapanatili ang bumababang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Facebook Comments