Inihahanda na ng Department of Education (DepEd) ang kakailanganing adjustments sa learning delivery dahil sa mga suspensyon ng klase.
Ayon sa DepEd, para maabot ang learning competencies ay dapat magpatupad ng make-up classes, modular distance learning, performance tasks at projects.
Dagdag pa ng ahensya, dapat din na ikunsidera ang attendance at completion ng learning tasks ng mga estudyante dahil sa mga suspensyon ng klase dulot ng bagyo at iba pang-kalamidad.
Kasunod nito, inihayag din ng DepEd na mayroon namang responsibilidad ang mga magulang para tutukan ang mga anak nila na makatapos sa mga itinakdang proyekto.
Facebook Comments