Makinarya sa Paggawa ng Eco-Bricks, Ipinagkaloob ng isang Kumpanya sa LGU Cauayan!

*Cauayan City, Isabela*- Pormal nang ipinasakamay ng isang pribadong kumpanya sa tanggapan ng City Cooperative Office sa Lungsod ng Cauayan ang ilang kagamitan gaya ng shredders machine na magsisilbing tagapino ng mga plastic wrappers na layong makabuo ng eco-bricks.

Ang nasabing turn-over ceremony ay dinaluhan ng ilang city officials, mga brgy. Kapitan at ilang miyembro ng nasabing kooperatiba sa Brgy. Cabaruan sa nasabing lungsod.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginang Sylvia Domingo, City Cooperative Officer ng lungsod, aniya ang nasabing shredders machine ay ginagamit upang makagawa ng bricks na gawa sa plastic wrappers.


Sa ngayon ay may 12,000 ng inisyal na nag order ng nasabing bricks at layong makilala pa ang ganitong uri ng produkto.

Dagdag pa ni Ginang Domingo na kauna-unahan ito sa buong Lambak ng Cagayan kaya’t nagpapasalamat aniya siya sa pribadong sektor na napili ang Lungsod ng Cauayan para sa libreng pagbibigay ng nasabing kagamitan.

Bukod dito, hinihikayat ang publiko sa pagpapalit ng mga plastic wrappers na kapalit ay kilo-kilong bigas upang magamit sa paggawa ng nasabing bricks at layong mabawasan ang mga kalat kundi ito’y mapakinabangan pa.

Ayon pa kay Ginang Domingo na dapat ay tangkilikin ang ganitong uri ng produkto sa paggawa ng istraktura gaya ng mga schools, buildings at iba.


Facebook Comments