Manila, Philippines – Nagpapatuloy pa ang case build up laban sa mga aktibong pulis na kasama sa inilabas na drug matrix ng Pangulong Rodrigo Duterte kaya malabo pang masampahan ng kaso ang mga ito.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Benigno Durana, hindi maaring maging batayan sa korte ang mga intelligence report na sangkot ang mga ito sa transaksyon ng iligal na droga.
Pero naniniwala si General Durana na may matibay na pinabatayan ang pangulo sa paggawa ng drug matrix.
Sa ngayon aniya magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon upang makapangalap ng matibay na ebidensya laban sa mga aktibong pulis
Batay sa inilabas na drug matrix isinasangkot ang mga aktibong pulis na sina Police Senior Supt Leonardo Suan, Police Inspector Conrado Caragdag, Police Senior Inspector Lito Pirote, Supt Lorenzo Bacia, at SPO4 Alejandro Liwanag sa transaksyon nb iligal na droga.