Manila, Philippines – Malabong mangyari ang inihayag ni Leyte Representative Vicente Veloso na pagsasagawa sa February 2019 ng Plebesito para sa charter change na siyang daan sa pagpapalit sa porma ng gobyerno patungong Federalism.
Ito ang binigyang diin ni committee on constitutional ammendments and revision of codes Chairman Senator Francis Kiko Pangilinan na siyang dumidinig ng panukalang Cha-cha.
Ayon kay Pangilinan, hindi pa rin nagbabago ang napagkasunduan sa caucus ng mga Senador noong hulyo na imposible ng maisagawa ang Cha-cha bago ang may 2019 elections.
Paliwanag ni Pangilinan, ang pagpupumilit na maisakatuparan ang Cha-cha, pitong buwan bago ang halalan ay pagsasayang lang ng oras.
Facebook Comments