Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na dapat ay tingnan ng lahat ang big picture o ang kabuoan ng Foreign Direct Investment.
Ito ang sinabi ng Malacanan sa harap narin ng lumabas sa balita na bumagsak ng 90% ang mga FDI o ang pumapasok na bagong negosyo sa bansa sa ilalim ng Administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat ay tingnan din ang local investments upang makuha ang buong impormasyon.
Paliwanag ni Abella, base sa datos ng Board of investments ay tumaas ng 32% ang mga pangakong investment sa Pilipinas.
Sinabi din ni Abella na mayroong mga local companies sa bansa ang nagpahayag sa Department of Trade and Industry o DTI na plano nilang palawakin ang kanilang negosyo sa bansa at magpasok ng iba pang negosyo.
Kabilang aniya dito ang investments sa energy, power, semento at iba pa.
Isa din naman aniyang timing issue lang ang pagbagsak ng FDI sa bansa at nananatili parin naman aniyang matatag ang ekonomiya ng Pilipinas at ang tiwala ng mga negosyante sa administrasyon.
Tiniyak din naman nito na magdodoble kayod ang economic team ni Pangulog Duterte upang ipakita sa buong mundo ang ganda ng ekonomiya ng bansa.
Malacañang, binigyang diin na maganda ang FDI ng Pilipinas
Facebook Comments