Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Malakanyang ang pagsuporta ng mga obispong katoliko sa Mindanao sa pagpapatupad ng martial law doon.
Matatandaang naglabas ng statement si Cardinal Orlando Quevedo, Archbishop of Cotabato kung saan nakalahad dito na hindi nila kinokontra o nire-reject ang martial law o batas militar.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, paghihikayat ito sa mga mananampalatayang katoliko na sumunod sa makatarungang utos ng mga otoridad at iwasan ang paghimok ng marahas ng reaksyon.
Ayon pa kay Abella, kinikilala rin nila ang pahayag ni Quevedo na humihikayat sa gobyerno na alisin ang sanhi ng terorismo gaya ng kahirapan at injustice sa pamamagitan ng patas at maayos na pamamahala na nakatutok sa kapakanan ng lahat.
Nakalulugod aniyang marinig na suportado ng mga kaparian ang naging hakbang ng pangulo sa Mindanao.
DZXL558