Malacañang, kinalma ang publiko kasunod ng avian flu outbreak sa Pampanga

28

Nanawagan ngayon ang Malacañang sa publiko, partikular na sa mga lugar na apektado ng bird flu outbreak sa Pampanga na manatiling kalmado.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – ginagawa na ng pamahalaan ang lahat upang masugpo ang nasabing sakit.

Nagsagawa na aniya ang Department of Health at Department of Agriculture ng imbestigasyon at mga paraan para mapigil ang paglawak ng outbreak.

Kabilang dito ang pagsasagawa ng bakuna at pina-igting na pagbabantay sa iba pang manukan sa loob ng seven-kilometer radius.

Facebook Comments