Manila, Philippines – Dumipensa ang Malacañang sa pagbabago ng polisiya ng National Food Authority Council at sa desisyong pag-aangkat na rin ng bigas sa pamamagitan ng government-to-private (G2P) mode mula sa government-to-government (G2G).
Magugunitang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Usec Maia Chiara Halmen Reina Valdez ng Office of the Cabinet Secretary dahil sa pag-isyu ng G2P rice imports para sa buffer stock ng bigas sa bansa.
Mariing kinontra pa noon ni Pangulong Duterte ang importasyon dahil kokompetisyon ito sa produkto ng mga magsasaka lalo pa’t panahon ng ani noong Abril.
Ayon kay Cabinet Secretary Leoncio“Jun”Evasco – pumayag na rin ang Pangulong Duterte sa nasabing policy shift matapos ipaliwanag ng NFAC na hindi maiiwasan na umangkat ng bigas dahil hindi pa nakamit ng pilipinas ang rice sufficiency
Aminado naman si Evasco na nagiging ugat ng rice cartel ang government-to-private importation kaya pinakikilos ang NFA kasama ang Bureau of Customs para maiwasan ang pagsasamantala ng mga negosyante.
DZXL558