Implementasyon ng anti-distracted driving law – epektibo na bukas!

149

Manila, Philippines – Simula bukas, ipapatupad na ang anti-distracted driving law.

Ayon kay Land Transportation Office Chief Edgar Galvante – sa ilalim ng batas na ito bawal na ang paggamit ng mga gadgets, waze o gps-based geographical navigation application program, pati na ang uber at grab habang nagmamaneho.


Pero, paglilinaw ni Galvante, kung hindi maiiwasan na gamitin ng mga motorista ang mga cellphone traffic applications ay kailangan nilang tumabi muna ng kalsada para iwas-disgrasya.

Saklaw aniya, ng nasabing batas ang lahat ng mga sasakyan maliban sa ambulansiya.

Sinabi ni Galvante na hindi lamang mga enforcers ng lto, MMDA, LTFRB at HPG ang magpapatupad ng nasabing batas, kundi maging ang mga traffic enforcer ng mga Local Government Unit.
DZXL558

Facebook Comments