Malacañan, nalulungkot sa panghihiya ng ilang grupo sa mga nangunguna sa senatorial race

Ikinalungkot ng Palasyo ng Malacanang ang panghihiya ng ilang personalidad at ng ilang grupo sa mga senatorial candidates na nangunguna sa bilangan matapos ang 2019 Midterm Elections.

 

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap narin ng mga panlalait ng ilang netizens kay dating PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa kung saan ay sinasabi ng mga ito na walang alam si Dela Rosa sa trabaho ng isang senador.

 

Lumutang kasi ito matapos sabihin ni Dela Rosa na gusto niyang mag seminar para malaman kung paano gumawa ng batas.


 

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, mali ang pagkuwestiyon sa katalinuhan ng mga botante na mula sa Class D at E at pagtawag sa mga ito na bobotante.

 

Sinabi ni Andanar tulad ng panawagan nila Vice President Leni Robredo, Senator Risa Hontiveros at iba pa na dapat ay lumayo na sa partisan at divisive politics.

 

Dagdag pa ni Andanar panahon na para sa mga nanalong kandidato na mag-reachout, magpasalamat at mag-doble kayod para maisakatuparan ang mga pangakong pagbabago noong kampanya.

 

Dapat din aniyang tanggapin ng oposisyon at mga Left-leaning Partylist  groups ang desisyon ng taumbayan.

Facebook Comments