EPD, hinikayat ang mga talunang kandidato na tumulong baklasin ang kanilang mga election paraphernalias

Nanawagan ang Eastern Police District sa lahat ng mga kumandidato na baklasin at linisin ang kanilang ikinabit na election paraphernalias.

 

Partikular din nilang tinatawagan ng pansin ang mga talunang kandidato na tumulong sa ginagawang pagbabakalas kung saan responsibidad din nilang linisin ito.

 

Nagpapasalamat naman ang EPD sa mga umaksyong pulitiko at mga residente sa Pasig, Mandaluyong at Marikina na una nang nagtanggal at naglinis ng kani-kanilang mga tarpaulin, posters at iba pa.


 

Bukod dito, magtutuloy-tuloy din daw ang oplan baklas kaya’t umaasa ang EPD na tutulong sa kanila ang mga supporters ng natalong pulitko at ilang tauhan ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments