Kumpiyansa ang Malacañan na maisasabatas ang panukalang 2020 National Budget bago sumapit ang Pasko.
Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles, umaasa silang maipapasa ng Kongreso ang Budget Proprosal sa tamang panahon dahil “nobody wins” kapag muling naantala ang approval nito.
Punto pa niya, nakaapekto sa Public Spending at bumagal ang Economic Development ng bansa dahil sa delay ng 2019 Budget.
Kapag nakalusot ang pambansang pondo sa Kamara sa Oktubre, ipapadala na ito sa Senado para sa deliberasyon, at kapag naaprubahan ay ipapasa ito kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang pirma.
Ang proposed 2020 Budget ay 11.8% na mas mataas sa kasalukuyang budget.
Facebook Comments