Mga Pilipinong bayani, pinuri ng Department of National Defense ngayong National Heroes Day

Pinuri ng Department of National Defense (DND) ang lahat ng mga Pilipinong nagsakripisyo para ipagtanggol ang soberenya ng bansa mula sa mga dayuhang mananakop.

Ito ang mensahe ng ahensya kasabay ng National Heroes Day ngayong araw.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, magsilbi sanang paalala na ang ating pagmamahal sa bayan ay nagsisilbing pundasyon sa kung anong meron ang bansa natin sa ngayon.


Ang paglaban ng ating mga ninuno sa mga mananakop ay nagtanim ng binhi ng ating pagka-Pilipino.

Tiniyak ng DND na patuloy na tutugunan ang anumang banta sa ating kaligtasan at seguridad.

Hinimok din ni Lorenzana ang mga kabataan na magsilbi sa bansa sa pamamagitan ng Reserved Officers Training Corps o ROTC Program.

Facebook Comments