
Dumistansya ang Malacañang sa mga ulat na hindi maisasapinal ang Code of Conduct sa South China Sea sa darating na ASEAN Summit.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, mahirap pang kumpirmahin ang mga ulat dahil nais pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maisapinal ang kasunduan sa ilalim ng termino ng Pilipinas bilang ASEAN Chairman.
Ipauubaya na lamang ng Palasyo sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbibigay ng karagdagang detalye sakaling hindi matuloy ang pagsasapinal nito.
Matatandaang inanunsyo ng DFA na hindi dadalo sa summit si Chinese President Xi Jinping. Sa halip, si Premier Li Qiang ang kakatawan sa China.
Gayunman, kumpiyansa pa rin ang Malacañang na magkakaroon ng konklusyon sa usapin ng Code of Conduct.
Facebook Comments










