Friday, November 13, 2026

Mga kinatawan ng Myanmar military junta, dapat ma-itsapwera sa ASEAN Summit

Umapela sa Malakanyang ang ilang mga kongresista para pagbawalan ang mga kinatawan ng Myanmar military junta na dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at iba pang high-level political meetings.

Ang nabanggit na panawagan sa administrasyon ay nakapaloob sa House Resolution No. 1614 na inihain nina Representatives Dadah Kiram Ismula, Chel, Diokno, Perci Cendaña, Kaka Bag-ao at Leila De Lima.

Binigyang-diin sa resolusyon, na bilang ASEAN chair ay dapat itaguyod ng Pilipinas ang mahigpit na pagpapatupad ng Five-point consensus na isang opisyal na planong pangkapayapaan para tugunan ang krisis pampulitika at karahasan sa Myanmar.

Punto ni Rep. De Lima, paano pagkakatiwalaan ng mga ASEAN leaders ang mga representatives ng military junta sa pagsusulong ng kapayapaan at pagpapalakas sa pangrehiyong kooperasyon kung patuloy silang nagsasagawa ng karahasan at mga paglabag sa karapatang pantao laban sa mamamayan ng Myanmar.

Diin naman ni Rep. Ismula, hindi natin maisusulong ang regional stability kung magbuhulag-bulagan tayo sa transnational scam syndicates at human trafficking rings na nag-ooperate sa ilalim ng proteksyon ng junta.

Facebook Comments