Friday, November 13, 2026

Malacañang, handang ipa-audit ang ₱22.9-bilyong pondo para sa Asean Summit

Handang ipa-audit ng Malacañang ang ₱22.9 bilyong pondong inilaan sa hosting ng Pilipinas sa ASEAN Summit ngayong taon upang matiyak na maayos ang paggamit sa pera ng bayan.

Sa gitna ito ng mga batikos sa laki ng budget na mas mataas kumpara sa mga nakaraang hosting noong 2017 at sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi maaaring basta ikumpara ang gastos noon at ngayon dahil umabot sa 550 ang mga pulong kaugnay ng ASEAN hosting, kumpara sa 279 noong 2017.

Kabilang din sa mga pinaghandaan ang seguridad ng mga lider ng bansa, mga aktibidad sa Metro Manila at Cebu, at mga proyektong imprastraktura.

Nangako ang Palasyo na ilalahad ng pamahalaan ang aktuwal na gastos at handang ipasuri ang bawat pondong nagamit.

Gayunpaman, dapat din aniyang tingnan ang mga proyektong naisakatuparan at pakinabang ng ASEAN hosting sa bansa.

Facebook Comments