Malacañang, ginugunita ang pagkasawi ng SAF 44

Pinangunahan ng Malacañang ang pag-alaala sa naging sakripisyo at kabayanihan ng Special Action Force (SAF) 44.

Sa press briefing sa Malacañang, ipinaalala ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles sa publiko na ang araw na ito January 25 ay deklaradong National Day of Remembrance para sa mga SAF commando na napatay sa misyon sa Mamasapano, Maguindanao noong 2016.

Matatandaan na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang National Day of Remembrance ang ika-25 ng Enero ng kada taon sa ilalim ng Proclamation No. 164.


Ayon kay Nograles, ang 44 na mga tauhan ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) ay nagbuwis ng buhay para sa patuloy na kapayapaan at seguridad na tinatamasa natin ngayon.

Layunin ng operasyon na hulihin ang Malaysian bomber na si Zulkifli Bin Hir o mas kilala bilang Marwan subalit nauwi sa madugong trahedya.

Facebook Comments