‘Di Nabayarang Overtime Pay sa Loob ng 23 Taon ng Isang Manggagawa, Natanggap na

20
Cauayan City, Isabela- Naibigay na sa isang manggagawa ang monetary claim nito na matagal ng reklamo kaugnay sa hindi pagbabayad sa kanyang mga overtime pay sa loob ng 23 taong pagtatrabaho nito sa isang establisyimento.

Naresolba at nabayaran ang overtime pay ni Ms. Jeanet Gutierrez sa tulong ng DOLE-Nueva Vizcaya Field Office (NVFO) sa pamamagitan ng Single Entry Approach (SEnA) ng nasabing ahensya.

Umabot sa halagang 70,000 pesos ang iniabot na monetary claims ni Gutierrez bilang kabayaran sa kanyang overtime pay, holiday at premium pay sa loob ng 23 taon na pagtatrabaho.

Labis naman ang naging pasasalamat ni Gutierrez sa DOLE Nueva Vizcaya sa agarang pagtulong upang makuha nito ang kanyang monetary claims at masolusyunan ang kanyang problema.

Facebook Comments