Malacañang, hindi makikialam matapos iatras ng Ombudsman ang kaso laban kay Pnoy kaugnay ng Mamasapano Encounter

Hindi makikialam ang Malacañang sa ibang sangay ng gobyerno makaraang iatras ng Ombudsman ang kasong isinampa nito laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay ng mamasapano incident.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat na malayang magampanan ng ibang sangay ng gobyerno maging ng Constitutional Bodies ang kanilang Constitutional Tasks.

Nito lang Biyernes nang i-withdraw ni Ombudsman Samuel Martires ang mga kasong paglabag sa Anti-Graft Law at Usurpation Charges laban kay Aquino dahil sa aniya’y kawalan ng sapat na ebidensya.


Taong 2015 nang masawi sa engkwento ang 44 na SAF Commandos laban sa pinagsanib na pwersa ng Moro Islamic Liberation Front at iba pang miyembro ng rebeldeng grupo.

Napatay din ang target sa operasyon na si Zulkifli Bin Abdul Hir alias “Marwan”.

Facebook Comments