Hindi pa rin maaaring ibalik ang lahat ng uri ng pampublikong transportasyon sa kalsada.
Ito ang binigyang diin ng Malacañang kasunod ng hinaing ng mga commuter hinggil sa limitadong public transportation sa gitna ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagbabalik ng public transport ay nasa ilalim ng “gradual, calibrated at partial” approach.
Aniya, dinig nila ang lahat ng sentimiyento at naiintindihan nila ang suliraning kinakaharap ng bawat commuter.
Sinabi ni Roque na mahalagang mabalanse ang pagbabalik ng ekonomiya at kalusugan at kaligtasan ng publiko mula sa COVID-19 lalo na at nananatili pa rin ang banta nito.
Araw-araw nagsasagawa ng daily assessments sa transportation sector at sinisikap ng pamahalaan na tugunan ito.
Panawagan muli ng Palasyo sa pribadong sektor na magbigay ng shuttle services sa kanilang mga manggagawa.