Malacañang, kinuwestyon ang credentials ni UN Rapporteur Agnes Callamard

PHOTO COURTESY: REUTERS

Kinuwestyon ng Malacañang ang credentials ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard matapos sabihing hindi sinusunod ng Pilipinas ang international law bago pa man ang COVID-19 pandemic.

Nakilala si Callamard sa pagiging kritiko sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, si Callamard ay hindi eksperto sa isyu ng extralegal killings.


Sinabi ni Roque na dapat magtalaga ang UN ng isang aktwal na eksperto sa extralegal killings kapantay ni Philip Alston.

Iginiit ni Roque na ang paggamit ng pwersa ng estado ay hindi ipinagbabawal sa ilalim ng international law basta naaayon at nasusunod nito ang ilang pamantayan.

Sakaling nilabag ang right to life, maaari aniyang kasuhan ng kriminal o administratibo ang sinuman.

Gayumpaman, binigyan pa rin ni Roque si Callamard ng “good luck.”

Facebook Comments