MANILA – Kumambiyo ngayon ang Malacañang sa isyu ng tila pagbasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2,000-pesos SSS pension hike.Una na kasing sinabi ng pangulo na dapat pag-aralan mabuti ang isyu para makakuha ng win-win solution para sa lahat.Pero agad na kumambiyo si Presidential Spokesman Ernesto Abella at sinabing hindi nangangahulugan na ibabasura na ng Pangulo Duterte ang panukalang dagdag pensyon lalo na’t ipinangako niya ito sa taongbayan sa kanyang kampanyaUna nang sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na tila malabong pang matanggap ngayong January 2017 ang isang libong piso na dagdag na mga social security pensioner.Ayon kay Diokno – matutuloy lamang ang dagdag pensyon kung babawasan ang income tax sa ilalim ng tax reform law at taasan naman ang monthly contribution pagdating ng Hunyo.
Malacañang – Kumambiyo Sa Tila Pagbasura Ni Pangulong Rodrigo Duterte Sa 2,000-Pesos Sss Pension Hike
Facebook Comments