MANILA – May hawak nang mga ebidensya ang Malakanyang kaugnay sa kumalat na yahoo conversation na tinaguriang “Lenileaks” na naglalaman ng mga pag-uusap hinggil sa planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.Sa interview ng RMN kay Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar, ang kaniyang opisina at ang tanggapan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., ang nagsasagawa ng imbestigasyon sa isyu.Ayon kay Andanar, nakausap na nila ang dalawang source ng impormasyon na nagsulat ng nasabing “Lenileaks” na kumalat sa social media.Mahaba-haba rin aniya ang pdf file na kailangang busisiin.Dadaan din sa masusing imbestigasyon ang isyu, partikular na sa online forensic investigation para matukoy ang authenticity nito.Sinabi ni Andanar na maberipika ng husto ang mga dokumento lalo na at maraming personalidad ang nadawit ang pangalan sa sinasabing yahoo conversation.Mamayang alas 3:00 ng hapon, haharap ni Esperon kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa iba pang miyembro ng security cluster ng gabinete ang usapin at ang naging takbo ng paunang bahagi ng imbestigayson.
Malacañang, May Hawak Nang Ebidensya Sa Tinaguriang “Lenileaks”
Facebook Comments