Malacañang, may pananagutan sa pagpasa ng most corrupt budget; ilang mambabatas utak umano ng maanomalyang flood control projects

May pananagutan umano ang Malacañang sa naging pagpasa ng tinaguriang most corrupt budget na pambansang pondo ngayong taon.

Kaugnay nito, binansagan ni dating Justice Secretary Silvestre Bello III sina dating House Speaker Martin Romualdez at dating chairperson ng House Appropriations Committee na si Stella Quimbo bilang mga utak ng maanomalyang flood control projects.

Ayon sa dating kalihim, nakababahala na ng imbestigasyon at reklamo ay nakatuon lang sa mga kontratista at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), habang nababalewala umano ang mga lider ng Kongreso na pinaniniwalaan niyang nasa likod ng nasabing modus.

Nagsilbi si Quimbo na miyembro ng bicameral conference committee bilang vice chairperson ng Committee on Appropriations na pumalit kay noo’y Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Kabilang din si Quimbo sa small committee kung saan umano nagkaroon ng ilang kontrobersyal na insertions sa 2025 national budget at naging kontrobersiyal ang ilang proyekto sa distrito sa Marikina City dahil napunta sa Sunwest Construction and Development Corporation na kumpanyang konektado kay Co ang kontrata sa proyekto.

Facebook Comments