Nais alamin ng Malacañang kung bakit dumaraan sa Sibuti Strait sa Tawi-Tawi ang mga Chinese Warship na namonitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Hulyo at Agosto.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, napakahalagang malaman ang dahilan ng pagdaan ng mga barkong pandigma sa teritoryo ng Pilipinas lalo’t paulit-ulit itong nangyayari.
Posible kasing paglabag ito sa United Nations Convention of the Law of the Sea (UNCLOS).
Naniniwala rin si Panelo na dapat matalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang isyu sa muling pagkikita nila ngayon buwan.
Pero desisyon pa rin aniya ito ng pangulo.
Facebook Comments