Dalawang empleyado ng Bureau of Customs, pinagbabaril sa Makati City

94

Sugatan ang dalawang empleyado ng Bureau of Customs matapos silang pagbabarilin sa loob ng sasakyan sa Makati City.

Nakilala ang magkapatid na mga biktima na sina Marietta Lasac at Maricon Manalo habang nakaligtas ang isa pa nilang kasama.


Batay sa kuha ng CCTV tumigil sa  harapan ng mga biktima ang kotse ng suspek saka bumaba ang mga ito, tangkaing buksan ang pinto at sinubukan pang basagin ang bintana ng sasakyan.

Bigo naman ang mga suspek kaya’t bumalik sila sa kanilang sasakyan at doon na nila pinagbabaril ang mga biktima.

Agad namang nakaatras ang mga biktima at nakatakas.

Pagnanakaw ang isa sa mga tinitingnang motibo ng krimen.

Facebook Comments

From Advertisers