Malacañang tiniyak na hindi makalulusot kay Pangulong Duterte ang anomang unconstitutional sa 2019 national budget

Tiniyak ng Palasyo ng Malacanang na pinagaaralang mabuti ng Office of the President sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposed 2019 National Budget.

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap narin ng naging pahayag ni Pangulong Duterte na sakaling mayroon siyang makitang hindi sumasangayon sa 2019 budget ay ibabasura niya ito o gagamitin niya ang kanyang veto power sa nasabing panukala.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, binubusisi ng tanggapan ng Pangulo ang bawat probisyon ng panukala upang matiyak na susunod ito sa saligang batas at sa mga naging desisyon na ng Korte Suprema.


 

Maingat aniyang ginagampanan ni Pangulong Duterte ang kanyang trabaho at lalagdaan lamang ang proposed budget kung sigurado na itong tatalima ito sa konstitusyon.

Facebook Comments