Malacañang, umapela sa mga establisyimento na dapat pangalagaan ang impormasyon ng mga customer na nagsulat sa contact tracing form

Umaapela ang Malakanyang sa mga commercial establishment na protektahan ang privacy ng kanilang customer na nagsulat sa contact tracing form.

Ito’y matapos makatanggap ng report ang National Privacy Commission (NPC) ng “mishandling and misuse” ng contact tracing data.

Nabatid na nakatanggap ng mga reklamo ang NPC mula sa publiko laban sa mga establisimyentong may hawak ng customer data para sa contact tracing na may kinalaman sa COVID-19 pandemic.


Kabilang sa mga reklamo ay maling paggamit ng logbooks, paggamit ng personal data para sa ibang dahilan maliban sa contact tracing at kawalan ng privacy notice.

Hinihikayat ni NPC Director Olivia Khane Raza ng Compliance and Monitoring Division ang mga kumpanya na magkolekta ng mahahalagang data, magbigay ng transparent data privacy notice, magkaroon ng maayos na disposal mechanism at magpatupad ng limited period para sa storage.

Nanawagan din si Raza sa mga kumpanya na sanayin ang mga empleyado hinggil sa data privacy protocols at himukin sila na pairalin at obserbahan ang protocols.

Facebook Comments