Sunday, November 15, 2026

Malacañang, umapela sa mga raliyista na huwag makisabay sa Asean Summit

Nanawagan ang Malacañang sa mga grupong nais magprotesta na huwag munang magsagawa ng kilos-protesta habang nagho-host ang Pilipinas ng ASEAN Summit.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro, panahon ito para magkaisa at ipakita sa mga dayuhang bisita ang magandang imahe ng bansa.

Hinimok niya ang mga raliyista na makipagtulungan sa pamahalaan at sa halip na magprotesta, idaan sa maayos na pag-uusap ang kanilang mga hinaing.

Nanindigan din ang Palasyo na maximum tolerance ang ipinapatupad ng pangulo, DILG at PNP.

Gayunman, kikilos ang mga pulis kung may paglabag sa batas, panggugulo o pananakit sa kanilang hanay.

Facebook Comments