
Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na naging pangkalahatang mapayapa ang pagbubukas ng ika-49 na ASEAN Summit and Related Summits kahapon, November 15.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., nagpapasalamat ito sa lahat ng personnel at katuwang na ahensya na nagtutulungan para matiyak na maayos ang operasyon pangseguridad sa nasabing aktibidad.
Aniya, mananatili silang alerto, handa at nakatuon sa kanilang responsilidad na matiyak ang seguridad para sa mga buong araw ng aktibidad sa nasabing summit.
Kaugnay nito, kahapon ay nagtungo si Nartatez sa Multi-Agency Coordinating Center (MACC) sa Philippine Trade Training Center sa Pasay City para i-monitor ang sitwasyon at iassess ang koordinasyon sa ibang mga ahensya.
Inatasan nya ang mga kinauukulang unit na panatilihin ang koordinasyon, presensya ng pulisya at ang mabilis na pagtugon kaugnay sa seguridad.
Pinaalalahanan din nito ang kanyang mga tauhan na kumilos sa kanilang trabaho ng propesyonal, disiplinado, may kortisiya at respeto sa publiko.










