
Walang natatanggap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na resignation letter ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy.
Ito ang tugon ng Palasyo kasunod ng mga ulat na nagbitiw na bilang kalihim ng ahensya si Uy.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, kagabi pa siya nagtanong tungkol sa naturang ulat pero hanggang ngayon ay wala pa siyang update rito.
Pero kung mayroon man aniyang ipinadalang resignation letter si Uy sa Malacañang ay posibleng hindi pa ito nakakarating sa pangulo.
Samantala, sinabi rin ni Castro na sa kasalukuyan ay wala pang update sa evaluation ng mga gabinete ni PBBM.
Nauna nang sinabi ni Castro na isasailalim sa evaluation ang mga gabinete ng administrasyon na normal na rin aniyang ginagawa ng pangulo.









