Malacañang, walang binabagong polisiya kaugnay sa One-China policy

Iginiit ng Malacañang na wala silang binabagong polisiya may kaugnayan sa One-China policy.

Ito ang pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, matapos ang inilabas na statement ng Department of Foreign Affairs o DFA na mananatili ang Pilipinas sa pagsunod sa One-China policy.

Batay sa polisiya, kinikilala ng Beijing, China ang Taiwan bilang bahagi ng kanilang teritoryo kahit na nanindigan ang Taiwan sa pagiging self-governing entity nito.


Una nang naging mainit ang usapin kaugnay sa One-China policy makaraang bumisita sa Taiwan si United States House Speaker Nancy Pelosi na hindi nagustuhan ng China.

Kaugnay nito, una nang hinimok ng DFA ang lahat ng partido na maging mahinahon at idaan sa diplomasya at dayalogo ang isyu.

Facebook Comments