Hinikayat ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang Malakanyang na magtalaga ng isang Cabinet Coordinator na siyang na mangangasiwa sa gagawing rehabilitasyon sa mga lugar na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.
Diin ni Recto, mahalaga na mayroong kukumpas at mamamahala sa koordinasyon sa pagitan ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para ibangon ang mga lugar na nadamay sa kalamidad.
Paliwanag ni Recto, maraming kailangang gawin para sa Taal evacuees katulad ng pagbibigay sa kanila ng hanapbuhay at relokasyon para sa mga nawalan ng tirahan.
Diin pa ni Recto, maaaring hindi pa tapos ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal kaya mainam na magkaroon ng Cabinet Coordinator habang hindi pa naisasakatuparan ang isinusulong nyang pagbuo ng Taal Commission.