Malakanyang, dumipensa naman sa pagkansela ng Pangulo sa tradisyunal na Vin D’honneur

Manila, Philippines – Nagpaliwanag si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano kungbakit nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang tradisyunal na Vin D’honneur.

Ayon kay Cayetano, ayaw i-celebrate ng pangulo ang Vin D’honneur na ginagawa sa pamamagitan ng pakikipag-toast sa mga miyembro ng diplomatic corps at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Ito aniya ay dahil mabigat sa loob ni Pangulong Duterte na magsaya habang nagpapatuloy ang krisis sa Marawi City na kinubkob ng teroristang Maute Group kung saan maraming sundalo na ang namatay.


Dagdag ni Cayetano, mas gustong tutukan ng Pangulo ang military operations sa Marawi City na target ngayon ng militar na tuluyang mapalaya mula sa paghahasik ng Maute Group.

At kahit naitaas na aniya ang bandila ng Pilipinas sa Marawi City ngayong Araw ng Kalayaan ay mayroon pa ring natitirang lugar na hawak ng Maute Group.

Maliban sa pagkansela sa Vin D’honneur ay hindi rin nakasama si P-Duterte sa pagdiriwang ng 119th Independence Day sa Luneta Park.
DZXL558

Facebook Comments