Malakanyang, dumistansya sa kinakaharap na kasong sex trafficking sa Amerika ni Pastor Apollo Quiboloy

Dumistansya ang Palasyo ng Malakanyang na magbigay ng komento kaugnay ng kinakaharap na kasong sex trafficking sa Amerika ng spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, si Pastor Quiboloy ay isang pribadong tao at naniniwala siyang kaya nitong makuha ng legal na payo.

Aniya, ipauubaya na lamang din nila kay Pangulong Duterte ang pagbibigay ng komento hinggil dito.


Sa kabila nito, tiniyak ni Nograles na hindi kinukunsinte ng batas ng bansa ang mga indibidwal na nasasangkot sa ganitong kaso.

Siniguro rin ni Nograles na makikipagtulungan ang gobyerno sakaling hingin ng Amerika na ma-extradite si Pastor Quiboloy kaugnay sa hinaharap niyang kaso ng sex trafficking doon.

Facebook Comments