Malakanyang, hiniling sa Kongreso na pag-aralan ang Oil Deregulation Law

Hiniling ng Malakanyang sa Kongreso na pag-aralan ang Oil Deregulation Law sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito ang isa sa mga solusyon ng bansa para maging handa sa mga epekto ng sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia, na inaasahang makakaapekto sa presyo ng langis sa world market.

“For the medium-term, we call on Congress to review the Oil Deregulation Law, particularly provisions on unbundling the price, and the inclusion of the minimum inventory requirements in the law, as well as giving the government intervention powers/authority to intervene when there is a spike and/or prolonged increase of prices of oil products,” ani Nograles


Nitong Martes ay ang ika-siyam na sunod na linggo na tumaas ang presyo ng langis.

Mababatid din na ang Russia ay isa sa mga pinakamalaking producer ng langis sa mundo.

Facebook Comments