21 Pinoy seafarers na inilikas mula Ukraine, nakarating na sa Moldova

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas na nakarating sa Republic of Moldova ang 21 Filipino seafarers mula Ukraine.

Sila ay pawang mula sa MV S-Breeze, na nag-drydock sa Chornomorsk, Ukraine para sana sa repair.

Gayunman, nang lumala ang tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine ay nagpasaklolo sa Philippine Embassy ang mga Pinoy para mailikas sila.


Ang naturang Pinoy seafarers ay kabilang sa 27 na kabuuang Filipino crew ng nasabing barko.

Tiniyak naman ng Philippine Embassy sa Budapest at ng Philippine Consulate sa Chisinau na agad silang mag-a-arrange ng repatriation pauwi ng Pilipinas para sa naturang Pinoy seafarers.

Facebook Comments