Kinilala ng Palasyo ng Malakanyang ang 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ng PNP na nasawi sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.
Sa ulat ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), hindi kailanman kinakalimutan ng Malakanyang ang kabayanihan ng SAF 44 na mananatiling inspirasyon ng bawat Filipino.
Ngayon ang ika-walong taong paggunita sa SAF 44.
Naka-engkwentro ng PNP-SAF ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters nang arestuhin ang Malaysian terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at iba pang international terrorists.
Maliban sa SAF 44, nasawi rin sa operasyon si alyas Marwan.
Facebook Comments