Ipinauubaya ng Malakanyang sa mga mambabatas ang pag-repeal o kaya`y pag-amyenda sa Republic Act 10-59-2 o batas kaugnay ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) na ipinagkakaloob sa mga bilanggo.
Sa gitna ito ng kabi-kabilang pagbatikos at pagtutol sa posibleng paglaya ng convicted rapist at murderer na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nasa kamay na ng mambatatas ang pag-amyenda o kaya`y pag-repeal sa nasabing batas alinsunod na rin sa kanilang mandato.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Panelo na ini-utos na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang re-evaluation sa mga suspek na dawit sa high profile cases.
Mababatid na si Sanchez ay nahatulan ng 7 counts ng Reclusion Perpetua kaugnay ng an panggagahasa at pamamaslang kay UP Los Banos student Eileen Sarmenta at pamamaslang din sa kasama nitong si Allan Gomez.