Malakanyang, nanawagan ng tulong sa publiko para sa mga naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal

Umapela ang malakanyang sa publiko na huwag magdalawang isip na magpaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na sa ganitong mga pagkakataon kinakailangan ang partisipasyon at pakikiisa ng publiko upang maiwasan ang iba pang problema at anumang casualties.

Kasabay nito ang panawagan ni andanar sa mga apektadong residente na wag nang maging matigas ang ulo sa halip ay sumunod sa ipinag uutos ng kani kanilang mga lokal na pamahalaan at lumikas sa mas ligtas na lugar.


Samantala, inactivate na rin ng pcoo ang kanilang laging handa operations para sa pagbibigay ng updated information sa lahat ng developments, sa pamamagitan ng pagpapakalat sa publiko ng mga tama at napapanahong impormasyon gamit ang lahat ng government media.

Facebook Comments