Panibagong bugso ng oil price rollback, asahan muli sa susunod na linggo

211

Abiso sa mga motorista!

Asahan muli ang panibagong bugso ng tapyas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa oil industry source, posibleng maglaro sa 1P.80 hanggang P2.00 ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel.


Habang nasa P0.30 hanggang P0.60 ang tapyas naman sa kada litro ng gasolina.

Ayon naman kay Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero, hindi bababa sa piso ang bawas presyo sa gasolina habang higit sa piso naman ang bawas-singil sa kada litro ng diesel.

Mababatid na nagkaroon ng bawas-presyo nitong Martes kung saan nasa P2.10 ang binawas sa kada litro ng gasolina habang nasa P2.20 kada litro sa diesel.



Facebook Comments