Hindi inalintana ng humigit kumulang sa 50,000 mga myembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ang pagbuhos ng malakas na ulan maipagpatuloy lamang ang mga aktibidad sa Bangsamoro Consultative Assembly sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat Maguindanao.
Pinanguhan mismo ni Moro Islamic Liberation Front Chairman Ustadz Murad Ebrahim kasama ng iba pang mga opsiyales mula sa ibat ibang sektor ang aktibidad.
Ang pagtitipon ng mga myembro ng BIFF sa Camp Darapanan ay bilang pagpapakita ng pagpapasalamat kay Presidente Rody Duterte sa katatapos lamang na paglagda sa Bangsamoro Organic Law.
Layun rin ng pagtitipon ay upang ipaintindi sa lahat ang nilalaman ng BOL .
PICS: ALVIN CASTILLON
Facebook Comments