Malakihang bawas-presyo sa produktong petrolyo, posibleng sumalubong sa mga motorista sa susunod na linggo – DOE

Goodnews sa mga motorista!

May panibago na namang big-time rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Atty. Rino Abad, batay sa kanilang pagtataya nasa apat na piso kada litro ang bawas-presyo sa kerosene at higit tatlong piso kada litro naman sa diesel.


Habang, higit piso kada litro naman ang tapyas sa gasolina.

Kinumpirma naman ni Abad na malaki ang indikasyon na magtutuloy-tuloy ang rollback bago matapos ang 2022.

Noong nakaraang linggo ay nasa dalawang piso ang bawas-presyo sa diesel at gasolina, habang piso naman sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang rollback tuwing araw ng Martes.

Facebook Comments